ILOILO CITY – Nababahala ang Commission on Human Rights (CHR) sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may kalayaan si Police Lt. Col. Jovie Espenido na pumatay sa Bacolod City.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Atty. Jonnie Dabuco, regional director ng CHR-6, sinabi nito na mayroong “chilling effect” ang nasabing mandato ni Duterte.

Ayon kay Dabuco, hindi maiiwasan na mangamba ang publiko na maging madugo ang kampanya kontra illegal drugs sa pamununo ni Espenido.

Sa kabila nito, naniniwala si Dabuco na bilang alagad ng batas, alam ni Espenido kung ano ang tama sa mali.