-- Advertisements --
image 190

Muling nakapagtala ng record high na utang ang gobyerno ng Pilipinas sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo ayon sa Bureau of Treasury (BTr).

Ito ay matapos na muling lumobo pa sa P14.24 trillion ang utang ng bansa.

Tumaas ng 0.7% o karagdagang P96.44 billion ang debt stock ng bansa bunsod ng panibagong pagtaas ng panloob na utang ng bansa kumpara sa mga nabyarang utang.

Sa kabuuang pagkakutang ng PH, nasa 69% o P9.81 trillion ay utang mula sa domestic lenders habang ang 31% o P4.43 trillion ay utang sa foreign lenders.

Sa buwan ng Hulyo, tumaas ang panloob na utang ng bansa ng 1.1% o katumbas ng P109.5 billion dahil sa net issuance ng government bonds.

Samantala, bumaba naman ng 0.3% o P13.1 billion ang panlabas na utang ng bansa dahil sa paglakas ng halaga ng Philippine peso noong Hulyo na nag-offset sa inflow ng panibagong pagkakautang.