-- Advertisements --

Inihayag ni US Defense Secretay Mark Esper kay Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakahanda umano ang Estados Unidos na ibahagi sa Pilipinas at mga bansang ka-alyado nito ang gamot kontra coronavirus disease sa ors na maging available na ito.

Sa inilabas na pahayag ng Department of National Defense (DND), nagpasalamat si Lorenzana kay Esper para sa tulong medikal at medical supplies na binigay ng US government sa bansa bilang tulong sa pakikipaglaban nito sa pandemic.

Pinasalamatan din nito ang DND sa kanilang suporta hinggil sa naging desisyon ng gobyerno na suspendihin ang termination ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Sa ngayon, nakapagtala na ang bansa ng 25,392 kumpirmadong kaso ng COVID-19, 5,706 ang naka-recover habang 1,074 ang namatay.