-- Advertisements --

Nagkasundo ang US at Niger na kanilang tatanggalin na ang kanilang sundalo sa Setyembre 15.

Ang nasabing panibagong kasunduan ay magbibigay sa US ng sapat na oras para mabawasan pa ang natitirang nasa 1,000 sundalo nila sa African nation.

May panahon din ang US na matanggal ang kanilang mga kagamitan gaya ng MQ-9 Reaper drones at ilang mga assets.

Una ng sinabi ng Niger military government noong Marso na tinapos na nila ang ugnayan sa US na nagbibigay ng pagkakataon para sa mga military personnel at civilian staff mula sa Department of Defense na mag-operate sa bansa.