-- Advertisements --
Nagpasya ang US Supreme court na magsagawa ng pagdinig sa kaso ng kung mananatili pa ang constitutional right of guaranteed citizenship para sa mga ipinanganak sa Estados Unidos.
Sa unang araw kasi ni US President Donald Trump ay naglabas ito ng kautusanna tapusin na ang birthright citizenships.
Ang nasabing hakbang ay hinarang mula sa iba’t-ibang mababang korte ng US dahil isa itong paglabag sa konstitusyon.
Dahil dito ay nasa US Supreme Court na ang pagpapasya kung maipapanatili ang citizenship rights para sa mga batang migrants na iligal na nasa US na mabigyan ng temporaryong visas o tatapusin na ito.
















