-- Advertisements --

Seryoso si US PresidentDonald Trump sa pagpapatupad nito ng dagdag na 25 percent na taripa dahil sa pagbili nila ng langis mula sa Russia.

Dahil dito ay mayroon ng kabuuang 50 percent na taripa ang ipinapatupad sa India na siyang pinakamataas na taripa na ipinatupad ng US.

Magiging epektibo ang nasabing rate sa loob ng 21 araw o hanggang Agosto 27 base sa executive order.

Tinawag naman ng Indian foreign ministry na hindi pantay at hindi reasonable ang ipinataw na taripa ni Trump.

Pagtitiyak naman nila na gagawin nila ang lahat ng makakaya para maprotkektahan ang kanilang personal interest.