Kinondena ni U.S. Secretary of State Marco Rubio ang China dahil sa pag-aresto sa mahigit 30 miyembro at lider ng hindi rehistradong Zion Church simula noong Oktubre 9.
Sa isang pahayag noong Linggo, nanawagan si Rubio para sa agarang pagpapalaya sa mga inaresto at tinawag ang insidente bilang paglabag sa kalayaan sa relihiyon.
Ang Zion Church, na itinatag sa Beijing noong 2007, ay patuloy na kumikilos sa humigit-kumulang 40 lungsod sa kabila ng ipasara ito ng mga awtoridad noong 2018.
Tumanggi namang magbigay ng detalye ang tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry at sinabing hindi nila alam ang insidente.
Dagdag pa ng opisyal, mariing tinututulan ng Beijing ang anumang pakikialam ng Amerika sa mga panloob na usapin ng China gamit ang isyu ng relihiyon.
Nabatid na ang insidente ay bahagi ng mas mahigpit na patakaran ng China laban sa mga hindi rehistradong grupong panrelihiyon, na ikinababahala ng maraming bansa sa west.