-- Advertisements --

Nakatakang bumiyahe sa Canada para dumalo sa G7 foreign ministers summit si US Secretary of State Marco Rubio.

Makakapulong ni Rubio ang mga foreign ministers mula sa G7 countries na gaganapin sa Niagara, Canada.

Ilan sa mga nakatakdang tatalakayin ay ang pagsusulong ng US ng ceasefire sa Gaza ganun din ang isyu na may kinalaman sa giyera sa Ukraine.

Magugunitang noong Oktubre ng pumayag ang Israel at Hamas sa ceaefire deal na isinulong ng US kung lahat ng mga bihag ay naipasakamay na umano ng Hamas sa Israel.

Nasa ikalawang yugto na sila ng ceasefire at ito ay tuluyang pag-disarma sa mga Hamas.