-- Advertisements --

Hindi isinasantabi ni US President Donald Trump ang posibilidad ng giyera sa Venezuela.

Ito ay kasabay ng pangako ng top diplomat ni Trump na si US Secretary of State Marco Rubio ng pagharang sa yamang langis ng naturang bansa.

Sa isang panayam kay Trump, tumanggi itong sabihin kung plano niyang pabagsakin si Venezuelan President Nicolas Maduro matapos sabihing bilang na ang mga araw ng “leftst fireband.”

Aniya, mas alam ni Maduro kesa sa sinuman kung ano ang nais niyang mangyari.

Una nang ikinatuwiran ng administrasyon ni Trump na ang kanilang military deployment ay bilang tugon para malabanan ang drug trafficking, kung saan ilang mga bangka na nagdadala umano ng mga iligal na droga ang napalubog ng Amerika na kumitil na ng ilang katao na sinasabing mga smuggler.