Malugod na tinanggap ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si US Secretary of State Antony Blinken, kasabay ng pagbisita nito sa Malacañang ngayong umaga.
Sa kanilang pulong, pinasalamatan ni Blinken si Marcos sa mainit na pagtanggap sa kaniya sa palasyo sa kabila umano ng pagiging abala nito sa mga aktibidad.
Sinabi pa ng US top envoy na ang ugnayan ng America at Pilipinas ay maituturing na “extraordinary” dahil ito umano ay nag-ugat sa pagiging magkaibigan.
Pinagtibay din ayon kay Blinken ang ugnayan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng magandang partnership at pinatatag ng pagiging magka-alyansa nito.
Naniniwala din ang US government official na mas magiging matatag pa ang samahan ng Pilipinas at America lalo sa aspeto ng ekonomiya.
Nabanggit din nito sa Pangulo ang mas matatag na mutual defense treaty at ang mga hakbang para mas lumalim ang bilateral relations ng bansa at Estados Unidos.