-- Advertisements --

Umapela si US President Joe Biden sa Congress na ipagbawal ang assault weapons at high-capacity magazines sa kaniyang naging address kaugnay sa gun violence kasunod ng ilang serye ng mass shootings sa kanilang bansa.

Ayon kay Biden, dapat na itaas sa edad na 18 hanggang 21 ang papayagan sa pagbili ng baril. Hiniling nito ang implementasyon ng safe storage laws at personal liability.

Hinikayat din ni Biden ang mga mambabatas na paigtingin ang background checks at magpasa ng red flag laws na magpapahintulot sa law enforcement na kumpiskahin ang baril mula sa indibidwal na mayroong mental illness. Makakatulong ang naturang batas aniya para mapigilan ang mga nangyaring insidnete ng pamamaril sa Amerika.

Binigyang diin din ni Biden ang apela ng kaniyang adminsitrasyon na pagbuhay sa Protection of Lawful Commerce in Arms Act na pumipigil sa gun manufacturers na maging liable sa mga krimen na nacommit dahil sa kanilang ginagawang produkto.

Maaalala, pinakahuling shhoting incident na naitala ngayong linggo kung saan isang gunman ang namaril sa isang medical center sa Tulsa, oklahoma na ikinasawi ng apat na katao.