-- Advertisements --

Tiniyak ni US President Joe Biden na handa ang Amerika na ipagtanggol ang Taiwan kung sakaling aatakehin ito ng China.

Ngunit sinabi ng tagapagsalita ng White House na ang kanyang mga sinabi ay hindi nangangahulugan ng pagbabago sa patakaran.

Ang US ay may batas na humihiling na tulungan ang Taiwan na ipagtanggol ang sarili.

Sa ngayon, wala pang inilabas na komento ang China sa inilabas na pahayag ng pangulo ng Amerika.

Magugunitang lumutang ang report na ang China ay nagsagawa ng testing ng kanilang hypersonic missile.

-- Advertisement --

Napag-alaman na tumaas ang tensyon sa pagitan ng Taiwan at China sa mga nagdaang linggo matapos magpalipad ang Beijing ng dose-dosenang mga eroplanong pandigma sa air defense zone ng Taiwan.