-- Advertisements --
Pinayagan na ng US Food and Drugs Administration (FDA) ang paggamit ng booster shot ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines para sa mga batang edad lima hanggang 11-anyos.
Nangangahulugan nito na mabibigyan ng otorisasyon ang lahat ng mga bata sa nasabing edad na mabigyan ng booster dose subalit kailangan pa ng dagdag na pag-apruba ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC).
Sinabi naman ni FDA Commissioner Robert Califf na kahit hindi gaano katindi ang epekto ng COVID-19 sa mga bata ay nagkakaroon pa rin ng malawakang hawaan ng Omicron variant.
Dahil sa nasabing booster shots ay magbibigay ito ng dagdag na proteksyon sa mga bata na may edad lima hanggang 11-anyos.