-- Advertisements --
Pinatawan ng US ng sanctions ang dalawang Chinese officials dahil sa pang-aabuso sa karapatang pantao ng mga Uyghur Muslims.
Ayon kay Treasury Department’s Director of the Office of Foreign Assets Control Andrea M. Gacki na nakipag-ugnayan muna sila sa European Union , Canada at United Kingdom para ipatupad ang pagpataw ng sanctions laban kay Wang Junzheng ang secretary of Party Committee ng Xinjiang Production and Construction Corps at si Chen Mingguo ang director ng Xinjiang Public Security Bureau.
Itinuturing naman ni US Secretary of State Antony Blinken na isang uri ng genocide ang ginawang ito na ng China.
Mariing pinabulaanan naman ng China ang nasabing alegasyon na nagkaroon sila ng paglabag sa karapatang pantao ng mga Uyghur Muslims.