Tumulong na rin ang mga volunteer doctors at nurses mula sa US Peace Corps sa isinagawang mass evacuation ng gobyerno sa Quezon City at Caloocan City kung saan aabot sa 10,600 indibidwal ang nabakunahan.
Ayon kay US Embassy Acting Spokesperson John Groch, noong kasagsagan ng Omicron variant ng Coronavirus noong Enero at Pebrero, pinunuan ng US Peace Corps ang karagdangang pangangailangan ng mga doktor at nars sa vaccination program ng pamahalaan.
Aniya, sa loob ng naturang panahon ay nag-volunteer ng dalawang araw kada linggo ang mga doktor at nars ng US Peace Corps sa mass vaccination.
Noong Pebrero, tumulong din ang US Peace Corps medical teams sa pag-screen at pagbabakuna ng 2,700 pasyente na limang taon hanggang 17 taong gulang.
Sinabi ni U.S. Peace Corps Country Director Jenner Edelman, na magpapatuloy ang US Peace Corps sa tulong ng United States Agency for International Development (USAID) sa pagsuporta sa pediatric vaccination sa NCR at iba pang bahagi ng bansa upang ligtas na makabalik sa paaralan ang mga bata.