-- Advertisements --

Papayagan lamang ng US ang mga bisita mula sa ibang bansa basta sila ay nabakunahan ng COVID-19 vaccine na otorisado ng US regulators o World Health Organizations (WHO).

Kasunod ito sa anunsiyo ng US na simula sa Nobyembre ay magpapatupad na ng lifting ng travel restrictions mula sa 33 bansa kabilang na ang China, India, Brazil at karamihan ay Europa basta sila ay fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Hindi naman binanggit ng Centers for Disease and Control Preventions kung anong uri ng mga bakuna ang kanilang papayagan.

Nakatakda pang isapinal ng CDC ang mga bagong contract tracing para sa mga international visitors at ang detalye ng exemptions na kinabiiblangan ng mga bata na hindi pa maaring maturukan ng bakuna.