TRUMP NAGBANTANG BAWASAN ANG US TROOPS SA EUROPE DAHIL SA IRAN ROW
LOOPS: TRUMP, US-IRAN, German Chancellor Friedrich Merz
Nagbanta si US PRES Donald Trump na bawasan ang presensya ng tropang Amerikano sa Germany, Italy, at Spain kasunod ng tumitinding alitan sa Europa kaugnay ng digmaan laban sa Iran.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Trump na nire-review na ng Estados Unidos ang posibilidad ng troop reduction sa Germany, at maaari rin itong ipatupad sa Italy at Spain, na aniya’y hindi umano sapat ang suporta sa US-led campaign.
Lumala ang tensyon matapos punahin ni German Chancellor Friedrich Merz ang estratehiya ng US laban sa Iran, na sinabing tila “napapahiya” ang Washington at kulang sa malinaw na plano upang tapusin ang sigalot.
Sa kasalukuyan, mahigit 36,000 US troops ang naka-deploy sa Germany, pinakamalaki sa Europa, habang may higit 12,000 sa Italy at halos 4,000 sa Spain, ayon sa datos ng US military.
Ang banta ni Trump ay indikasyon ng lalong paglala ng hidwaan sa pagitan ng US at ilang European allies, na maaaring makaapekto sa seguridad at kooperasyong militar sa rehiyon. (report by Bombo Jai)
















