Dinala sa pagamutan at nasa kritikal na kalayagan si dating New York Mayor Rudy Giuliani .
Sinabi ng kaniyang tagapagsalita na si Ted Goodman na patuloy ang pakikipaglaban nito sa kaniyang buhay.
Hindi na binanggit pa ng tagapagsalita nito kung ano ang dahilan ng pagkaka-ospital ng 81-anyos na dating opisyal.
Noong nakaraang buwan ay lumabas pa ito sa kaniyang podcast na “The Rudy Giuliani Show”.
Nagpaabot ng pagbati ng mabilis na paggaling sina New York Mayor Eric Adams at US President Donald Trump.
Mula noong naging federal prosecutor hanggang naging alcalde ng New York City mula ng maganap ang September 11 terror attack.
Si Giuliani ay naging dating personal na abogado ni Trump.
Mula noong 2020 ay naharap ito sa mga kaso kung saan naghain ito ng not guilty plea dahil sa election subversion scheme sa Arizona.
Itinalaga siya ni Trump noong nakaraang taon bilang advisory council sa Department of Homeland Security.
















