Nagpadala ang Iran ng panibagong proposal para sa negosasyon sa United States sa pamamagitan ng Pakistan bilang mediator.
Bagama’t walang detalye ang inilabas, bahagyang bumaba ang global oil prices matapos ang ulat, matapos itong tumaas dahil sa blockade ng Strait of Hormuz na kumokontrol sa halos 20% ng suplay ng langis at gas sa mundo.
Patuloy ang ceasefire simula Abril 8, ngunit nananatiling tensyonado ang sitwasyon habang pinag-aaralan ng Trump administration ang posibleng panibagong military strikes laban sa Iran.
Nagbabala naman ang Tehran na tutugon ito ng “matagal at masakit” na pag-atake sakaling umatake ang US, habang patuloy na iginiit na para lamang sa civilian use ang kanilang nuclear program.
Sa gitna nito, pinag-uusapan din ang pagbuo ng isang international coalition upang muling buksan ang Strait of Hormuz sa commercial shipping, sakaling humupa ang labanan. (report by Bombo Jai)
















