-- Advertisements --

Kinumpirma ng US na mayroon na silang naitalang person-to-person transmission ng Wuhan coronavirus.

Ito ang ang pangalawang kaso ng tinaguriang Wuhan coronavirus ang naitala ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC).

Ang pangalawang tao na mula sa Chicago ay asawa ng unang kumpirmadong travel-associated case sa US.

Lumabas sa pagsusuri ng mga eksperto na hindi bumiyahe sa China ang nahawaan na pangalawang biktima na asawa ng naunang biktima.