-- Advertisements --
Patuloy na pinaghahanap ng Philippine Coast Guard ang tatlo pang pasaherong nawawala matapos tumaob ang isang bangka sa Mapanuepe Lake, San Marcelino, Zambales, nitong Agosto 27.
Nagsagawa na ng underwater search and rescue operation ang PCG divers, ngunit pansamantalang itinigil ang operasyon dahil sa “zero visibility” dulot ng maputik na tubig.
Naging hamon din sa mga rescuer ang malakas na hangin at pabugsu-bugsong ulan dahil sa epekto ng Habagat.
Ayon sa PCG, ipagpapatuloy ang operasyon sa oras na bumuti ang kondisyon ng panahon.
















