-- Advertisements --

Magsasagawa ng DNA profiling ang Ministry of Home Affairs sa bahagi ng India para sa first-degree biological relatives sa mga nawawalang indibidwal matapos ang baha sa Nepal na kumitil ng libu-libong buhay.

Isa sa mga mamamahala sa nasabing DNA profiling ang Central Forensic Science Laboratories, State Forensic Science Laboratories, National Forensic Sciences University Laboratories, NABL- accredited laboratories.

Sa isang statement, nagbigay ang Embassy ng India sa Kathmandu ng ilang impormasyon patungkol sa magiging hakbang sa kung paano malalaman ang ‘mortal remains’ ng flash flood victims. 

Samantala ayon naman sa opisyal na ulat, aabot sa 20,000 ang mga kabahayan ang kailangan muling itayo sa mas ligtas na lugar. Sinabi naman ni Minister Shishir Khanal sa foreign ambassador sa Kathmandu na mangangailangan ang rebuilding process ng substantial resources.