-- Advertisements --

Ipinataw ng Estados Unidos ang sanctions para kay Francesca Albanese, special rapporteur ng United Nations sa human rights na sakop ang teritoryo ng Palestine, dahil ito sa matinding pag-kuwesyon ni Albanese sa ginagawang aksyon ng Israel sa Gaza at sa panawagan niyang papanagutin ang mga opisyal ng U.S. at Israel sa International Criminal Court (ICC).

Sa isang statement sinabi ni U.S. Secretary of State Marco Rubio, si Albanese aniya ay nagsasagawa ng kahiya-hiyang hakbang upang isulong ang kaso laban sa mga opisyal at kumpanya ng U.S. at Israel.

‘Today I am imposing sanctions on UN Human Rights Council Special Rapporteur Francesca Albanese for her illegitimate and shameful efforts to prompt (International Criminal Court) action against U.S. and Israeli officials, companies, and executives,’ ani Rubio.

Tinawag naman ni Albanese ang panggigipit umano ng Amerika ay isang “mafia-style intimidation” at nanindigang nasa panig siya ng katarungan.

Nabatid na si Albanese, ay isang italianong lawyer ay una nang nanawagan sa UN Human Rights Council na ipataw ang arms embargo laban sa Israel at ihinto na ang financial ties dito.

Mariin namang kinondena ng mga grupo ng karapatang pantao ang sanctions ng Estados Unidos at iginiit na ayon sa Amnesty International, kailangang protektahan ang mga special rapporteurs at hindi dapat patawan ng parusa.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng mas malawak na pag-atras ng administrasyon ni Pangulong Donald Trump mula sa mga international institutions.

Samantala nagpapatuloy naman ang mga kaso laban sa Israel sa ICC at International Court of Justice (ICJ), ngunit itinatanggi ng Israel ang mga akusasyon at iginiit na self-defense ang kanilang ginagawa sa Gaza.