-- Advertisements --
balikatan4 1

Nilinaw ng United States military na hindi “show of force” ang Balikatan Exercises 2022 kung saan nasa 9,000 Pilipino at Amerikanong sundalo ang lalahok sa tinaguriang largest-ever joint war games, sa gitna ng patuloy na tensiyon sa West Philippine Sea (WPS).

Ito ang binigyang-diin ni Maj. Gen. Jay Bergeron, exercise director sa US side at commander ng US 3rd Marine Division.

Sinabi ni Bergeron, ang Balikatan 2022 ay pagkakataon din para mapaganda pa ang security and defense capabilities at ang kahandaan sa pagresponde sa anumang krisis.

Mahalaga aniya para sa mga sundalong Amerikano na makasama ang mga Pilipinong sundalo dahil sa malalim na ugnayan, gayundin ang ang mga palitan ng kaalaman hindi lang sa pakikipaglaban kungdi sa pagsasagawa ng serbisyo publiko.

Magsisilbi namang observer ang mga bansang Australia, New Zealand at iba pang southeast Asian countries.

“Not at all. Balikatan 2022 is a tremendous training opportunity and it’s aimed at improving our security and defensive capabilities and our readiness to respond to any crisis anywhere,” pahayag ni Maj. Gen. Bergeron.

Dagdag pa ng US Marine general, “I would also say it’s designed to enhance our interoperability, strengthen cooperation across the board and to contribute of course to peace and stability in the region.”