-- Advertisements --

Inanunsiyo ng US na may mabigat na sanctions silang ipapataw laban sa Russia.

Kasunod ito sa hindi pagiging seryoso ni Russian President Vladimir Putin sa peacetalk para sa matapos na ang giyera nila ng Ukraine.

Sinabi ni US treasury chief Scott Bessent, na ang sanctions ay dahil sa labis na nadismaya si US President Donald Trump matapos na tanggihan siya ni Putin sa panibagong pulong sa Hungary.

Mismong si Trump na ang mag-aanunsiyo kung anong uri ng sanctions ang ipapataw nila sa Russia.