Magpadala ng mga eksperto ang US Centers for Disease Control and Prevention sa Africa para tumulong na mahinto ang outbreaks ng Marburg virus disease.
Kasabay din nito ay pinayuhan nila ang mga mamamayan nila na mag-ingat na magtungo sa nasabing mga bansa.
Nanguna ang Equatorial Guinea at Tanzania na may biglang paglobo ng Marburg virus.
Ang Marburg virus ay isang uri ng viral fever na may kasamang patuloy na bleeding na inihahalintulad sa Ebola.
Nahahawa ang tao sa pamamagitan ng body contact at sa mga kontaminadong lugar maging sa mga hayop ay maaring mahawa ng nasabing virus.
Idineklara ng Equatorial Guinea, ang karagatang bahagi ng West Africa, ang outbreak noon pang kalagitnaan ng Pebrero.
Habang nitong Marso 21 ay nagdeklara na rin ang Tanzania ng outbreak.