-- Advertisements --

Magpapadala ang United States ng libu-libong dagdag na Marines at sailors sa Middle East habang nagpapatuloy ang tensyon sa rehiyon, ayon sa mga opisyal ng US.

Sinabi ng mga source na aabot sa humigit-kumulang 2,500 Marines ang kabilang sa expeditionary unit na mas maagang ipinadala mula sa West Coast ng Amerika. Layunin umano nitong palakasin ang kakayahan ng US para sa posibleng operasyon sa rehiyon, bagama’t walang desisyon na magpadala ng tropa sa loob ng Iran.

Dagdag pa ng ulat, may humigit-kumulang 50,000 US troops na nauna nang naka-deploy sa Middle East, at nadadagdagan pa ito ng karagdagang Marine Expeditionary Units.

Ayon din sa mga opisyal, posibleng gamitin ang mga naturang pwersa para sa iba’t ibang operasyon, kabilang ang air strikes o ground deployment kung kinakailangan.

Samantala, iniulat din na papalitan ng USS Bush ang aircraft carrier USS Ford matapos maantala ang operasyon nito dahil sa maintenance at pagkasira. (report by Bombo Jai)