-- Advertisements --

Itinanggi ni US na nagkaroon ng cyberattack matapos ang nangyaring aberya sa kanilang mga paliparan nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon kay US Transportation Secretary Pete Buttigieg, na walang ebidensiya o indikasyon na nagkaroon ng cyber attack.

Ganun pa man ay hindi pa rin nila isinasantabi ang nasabing usapin at patuloy ang ginagawa nilang imbestigasyon.

Inutos na rin ni US President Joe Biden ang malawakang imbestigasyon sa nangyaring insidente.

Magugunitang aabot sa halos 7,000 na mga flights ang naantala habang mahigit 1,000 flights ang nakansela dahil sa insidente.

Base sa unang imbestigasyon ng Federal Administration Aviation na nagkaroon ng problema ang Notice to Air Mission system na siyang nagbibigay ng babala sa mga piloto sakaling may aberya sa paliparan.

Umabot sa ilang oras bago naibalik sa normal ang mga flights.