Inaprubahan ng United States ang pagbebenta ng $1.1 billion na military equipment para sa Taiwan.
Ito ay kalakip ng pangako ng US na suporta sa patuloy na pagsusumikap ng Taiwan sa pag-modernize ng kanilang armed forces at pagpapanatili ng credible defensive capability sa gitna ng umiigting na tensiyon sa pagitan nila ng Beijing.
Ito na ang largest package na inaprubahan para sa Taiwan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Joe Biden kabilang ang $665 million para sa contractor support para mamintina at ma-upgrade ang Raytheon early radar warning system na nag-o-operate mula pa noong 2013 na nagbibigay ng warning sa Taiwan sa paparating na atake.
Kabilang din ang $355 million para sa 60 anti-ship harpoon missiles na kayang palubugin ang isang barko at $85.6 million para sa 100 Sidewinder surface air-to-air missiles.
Nagpahayag naman ng pagtutol ang China sa hakbang ng US at nanawagan ang Chinese Foreign Ministry ng itigil ang pagbebenta ng armas at military contact sa Taiwan.
Sinabi ni Chinese Embassy spokesperson Liu Pengyu na gagawa ang China ng kaukulang counter-measures sa nasabing development.