-- Advertisements --

Itinanggi ni American boxer Ryan Garcia na ito ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot na Ostarine para sa laban niya noon kay Devin Haney.

Sinabi nito na alam ng kaniyang mga fans na hindi ito gumagamit ng anumang ipinagbabawal na substance.

Maging ang pagbili ng steroids ay hindi niya alam at madalang din nitong uminom ng mga supplements.

Magugunitang lumabas ang ulat na nagpositibo sa performance-enhancing substances na Ostarine sa araw na laban niya noon kay Haney.

Nagwagi si Garcia sa pamamagitan ng majority decision laban kay Haney noong Abril 20 sa laban nila na ginanap sa New York.