-- Advertisements --
Nakuha ng University of the Philippines (UP) Fighting Moarrons ang unang panalo ng UAAP Season 84.
Tinalo kasi nila ang Ateneo de Manila University sa overtime game 81-74 at naitala unang panalo sa kanilang best of three finals.
Dahil sa panalo ay abot-kamay na ng UP ang kampeonato na huling nakuha ang titulo ng UAAP noong 1986 kung saan pinangunahan ito nina Benjie Paras at Ronnie Magsanoc.
Sinabi naman ni UP coach Goldwin Monteverde na maraming mga adjustments silang ginawa dahil umabot pa sa 12 points ang kalamangan ng Blue Eagles.
Nanguna sa panalo ng UP si Ricci Rivero na mayroong 19 points habang si Zavier Lucero ay mayroong 17 points at 13 rebounds at si James Spencer ay mayroong 13 points.