Pinatikim ng Alaska Aces sa Rain or Shine ang unang pagkatalo 89-88 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup na ginaganap sa Angeles University Foundation Gym.

Dahil dito ay mayroon ng tatlong panalo at isang talo ang ElastoPainters habang mayroong tatlong panalo at dalawang talo ang Aces.

Bumida sa panalo ng Alaska si Vic Manuel na mayroong 18 points.

Itinuturing ni Alaska coach Jeff Cariaso na isang character win ang naging panalo nila sa Painters.

May tsansa pa sana ang Rain or Shine na manalo sa laban subalit nagmintis ang lay-up ni Rey Nambatac at inabutan a ng buzzer.