-- Advertisements --

Naitala ang unang pagkasawi ng Filipino sa Israel matapos na dapuan ng coronavirus.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), isang 65-anyos na babae ang namatay noong Agosto 23.

Nasa 39 sa kabuuang 46 na Filipinos sa Israel na rin na unang nadapuan ng coronavirus ang gumaling na at nakalabas na sa pagamutan.

Tiniyak naman ng DFA na ang mga Filipino na nasa ibang bansa na nadapuan ng COVID-19 ay makakatanggap ng cash grant na $200 mula sa Overseas Workers Welfare Association (OWWA).

Patuloy din ang kanilang pagsasaayos ng mga repatriation ng mga OFW na nais ng umuwi sa bansa.