-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO- Nakapagtala ng unang COVID-19 positive patient ang Aleosan, Cotabato nitong Lunes, July 27, 2020.
Base sa inilabas na impormasyon ng Cotabato Inter-Agency Task Force on COVID-19, ang naturang pasyente ay isang 23-anyos na lalake na patuloy na inaalam ang travel history nito.
Kasalukuyan naka-admit abg pasyente sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City at nilinaw na hindi ito dahil sa COVID-19.
Ito na ang ika-34 na COVID-19 patient na naitala sa lalawigan kung saan 11 ang naka-recover, 2 ang namatay at 21 ang patuloy na nagpapagaling sa mga isolation centers o kaya naman ay sa ospital.
Samantala, sa 1st district ng Cotabato, tanging ang bayan na lamang ng Alamada ang walang naitalang COVID-19 patient.