-- Advertisements --
Magsasagawa ng pagpupulong ang United Nations Security Council sa naganap na pag-atake ng Israel sa al-Tabin shelter sa Gaza City.
Ang nasabing pag-atake noong Agosto 10 ay ikinasawi ng 100 na Palestino na karamihan sa mga ito ay yung mga sumilong lamang sa paaralan matapos na mawalan silang ng mga tahanan dahil sa kaguluhan.
Layon ng pagpupulong na talakayin ang anumang maaring magawa ng mga bansa na tumatayong mediators na kinabibilangan ng US, Egypt at Qatar para mas lalong isulong ang ceasefire.
Una ng kinondina ng UN ang ginawang pag-atake na ito ng Israel sa mga paaralan na ginagawang pansamantalang silungan ng mga nawalan ng mga tahanan na mga Palestino.