Sinibak sa puwesto ang dalawang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) dahil sa umano sa pagtanggap ng kickbacks mula sa overpriced na fire extinguishers.
Sinabi Interior Secretary Jonvic Remulla , na magkasabwat o minsan ay magkamag-anak ang inspector at supplier kung kayat pipiitin ang mga may-ari ng gusali na bumili sa kanila ng overpriced na fire extinguisher.
Ang mga opisyal umano ay tumanggap ng P30 milyon mula sa pagbebenta ng fire extinguishers.
Ang isang opisyal ng BFP ay mula sa Quezon City habang ang isa ay mula sa National Capital Region.
Inilagay ang mga ito sa administrative relief habang gumugulong ang imbestigasyon.
Una ng sinabi ni Remulla na ang BFP ang siyang may pinakamatinding nagaganap na kurapsyon na ahensiya ng gobyerno.
May ibang kaso na silang iniimbestigahan na may kinalaman din sa mga bumbero.
















