Nakipagpulong si Senator Rodante Marcoleta kay bagong Chinese Ambassador Jing Quan upang talakayin ang pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at China sa larangan ng ekonomiya, enerhiya, at pamumuhunan.
Ayon sa senador, kabilang sa kanyang iprinisintang priorities ang economic cooperation, energy transition, pag-manage ng maritime disputes, at green at tech-driven investments. Pinuri rin niya ang modelo ng hydroelectric facility ng China para sa potensyal na mapababa ang presyo ng kuryente at mapalawak ang energy access sa bansa.
Tinalakay din ang industrial development, kung saan iminungkahi ni Marcoleta ang paglipat mula sa pag-export ng raw materials tulad ng nickel tungo sa domestic processing at high-value manufacturing.
Muling tiniyak ni Ambassador Jing ang suporta ng China sa independent foreign policy ng Pilipinas, habang iginiit ni Marcoleta na mas mahalaga ang kooperasyon ng mga bansa kaysa military alignments. (report by Bombo Jai)
















