-- Advertisements --

Mahigit 22,000 pamilya o halos 75,000 indibidwal sa iba’t ibang bayan ng Eastern Samar ang apektado ng mga pagbahang dulot ng shear line.

Ito ay batay sa inilabas na data ng PDRRMO.

Sa datos na inilabas ng PDRRMO, naitala ang pinakamaraming naapektuhan na pamilya sa  Llorente, Dolores, Lawaan, Jipapad, Borongan City, at Arteche.

Umabot sa 717 pamilya o mahigit 2,400 indibidwal ang inilikas, pangunahin mula sa Jipapad at Arteche, kung saan pinayagan nang bumalik ang ilan matapos humupa ang baha. 

Iniulat rin ng ahensya na mayroong dalawang nawawalang indibidwal sa Llorente kung saan ay natagpuan na ang isa habang patuloy na pinaghahanap ang isa pa .

Hanggang tuhod , baywang ang lalim ng baha sa 62 barangay sa buong lalawigan  habang na naitala naman ang pagguho ng lupa sa  Taft at Borongan City.