-- Advertisements --

Nagpahayag ng kaniyang pagkabahala si United Nations Secretary-General Antonio Guterres sa ginawang pag-atake ng US sa Venezuela.

Sinabi nito na ang panuntunan sa international law ay hindi narespeto.

Dagdag pa nito na kaya mayroong international law para ito ay sundin at mapanatili ang international peace and security.

Labis din itong nababahala na magkakaroon ng negatibong epekto sa bansang Venezuela ang pagkakaaresto sa pangulo nilang si Nicolas Maduro.

Naniniwala ito na maari pa ring maiwasan ang pagsiklab ng malawakang gulo basta magkaroon ng pag-uusap.