Itinuturing ni United Nations Secretary Genera Antonio Guterres na ang anumang danyos sa Zaporizhzhia nuclear power plant sa Ukraine na sinakop na ng Russia ay maituturing na isang suicide.
Isinagawa ng UN chief ang pahayag nang bumisita ito sa Ukraine kasama si Turkish President President Recep Tayyip Erdogan at Ukrainian President Volodymyr Zelensky.
Nanawagan din ang UN chief ng pagkakaroon ng demilitarized area sa paligid ng nabanggit na nuclear plant.
Mula pa kasi noong Marso ng makubkob ng Russia ang planta ay naglagay na rin ang mga ito ng kanilang military base.
Sinang-ayunan naman ni Ukrainian president ang naging pahayag na ito ng UN.
Nararapat daw na tanggalin na ng Russia ang mga sundalo nito nakatalaga sa nuclear plant.
Nagpulong ang tatlong opisyal para maghanap ng solusyon sa nagaganap pa ring kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine.