-- Advertisements --

Nababahala ang United Nations (UN) na magkakaroon ng kakulangan ng pagkain sa northern Gaza matapos na isara ng Israel ang crossing.

Sinimulan kasi ng Israel ang matagal ng inaasahan na ground assaults sa Gaza City at gumagawa sila ng hakban para maging bakante ang lungso ng sibilyan sa pamamagitan ng pagbubukas ng dagdag na ruta patungong timog.

Ilang libong katao naman ang nagtatago na sa lungsod at ayaw sumunod sa kautusan ng Israel na umalis dahil sa banta sa buhay mula sa pag-atake sa daan.

Ayon sa UN humanitarian office (OCHA) na sa mga susunod na araw ay tiyak na mauubusan na ang lahat ng mga pagkain dahil sa pagsasara ng mga ruta.

Kontrolado kasi ng Israel ang lahat ng mga labasan at pasukan sa Gaza.