-- Advertisements --

Nanawagan si United Nations chief Antonio Guterres sa mga liders ng Sudan na agad na tigilan ang kaguluhan at simulan ang pag-uusap.

Aabot na kasi sa 100 sibilyan ang nasawi sa labanan sa pagitan ng Sudanese army at ang Rapid Support Forces (RSF) paramilitary group.

Nag-aagawan ang dalawang grupo sa pamumuno ng nasabing bansa.

Sinabi ni Guterres na nakausap na niya ang dalawang lider ng grupo at hinikayat niya ang mga ito na maging mahinahon.

Magugunitang maraming mga bansa na rin ang nagkondina sa patuloy na kaguluhan sa nasabing bansa dahil sa agawan ng kapangyarihan.