-- Advertisements --

Kinakailangan nang agarang aksyon ang sinasabing dredging activities sa ibat ibang parte ng bansa kung saan ang mga nakukuhang buhangin ay ginagamit ng China sa reklamasyon sa West Philippine Sea.

Ito ang sinabi ni Senadora loren Legarda kung saan nagpahayag ito ng suporta sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos na silipin ang umano’y dredging activities.

Giit ng senadora, kung mapatunayang totoo na ginagamit ang mga nakukuhang buhangin sa bansa para sa reclamation projects ng China sa West Philippine Sea, ito ay lantarang paglabag sa ating environmental at territorial rights at pag-abuso sa ating likas na yaman para pahinain ang ating soberenya.

Muling binigyang-diin ng mambabatas na ang West Philippine Sea ay bahagi ng ating Exclusive Economic Zone na malinaw na itinatag sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at pinagtibay ng 2016 Arbitral Ruling.