Lalo pang lumakas sa nakalipas na mga oras ang tropical storm Ulysses, na may international name na Vamco.
Huli itong namataan sa layong 475 km sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na 75 kph at may pagbugsong 90 kph.
Kumikilos ang naturang sama ng panahon nang pahilaga kanluran sa bilis na 15 kph.
Signal No. 1:
Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, eastern portion ng Masbate (Aroroy, Pio V. Corpuz, Cataingan, Palanas, Uson, Dimasalang, Masbate City, Mobo, Baleno) kasama na ang Ticao at Burias Islands, pati na ang southern portion ng Quezon (Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Macalelon, General Luna, Lopez, Catanauan, Mulanay, San Francisco, San Andres, San Narciso, Buenavista, Guinayangan, Tagkawayan, Calauag, Quezon, Alabat, Perez); Northern Samar, northern portion ng Samar (Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, Tarangnan, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao), northern portion ng Eastern Samar (Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad)