Ipinahayag ni Vice President Sara Duterte ang pangamba sa patuloy na pagtaas ng inflation, paghina ng piso, at mataas na presyo ng langis sa bansa, kasabay ng panawagan para sa dagdag na tulong sa mga mahihirap na sektor.
Tinukoy niya ang “triple whammy” ng krisis: mataas na presyo ng krudo at fuel, paghina ng palitan ng piso kontra dolyar, at mabilis na pagtaas ng inflation.
Giit ni Duterte, dapat unahin ng pamahalaan ang tulong sa pinakamahihirap upang maiwasan ang pagdami ng krimen dahil sa kakulangan sa kabuhayan.
Samantala, muling tumaas ang presyo ng gasolina at diesel sa panibagong oil price hike, habang bumagsak sa record low ang halaga ng piso kontra dolyar dahil sa global oil shock.
Ayon sa PSA, umakyat din sa 7.2% ang inflation noong Abril, pinakamataas sa loob ng tatlong taon, na dulot ng pagtaas ng presyo ng pagkain, langis, at utilities.(report by Bombo Jai)
















