-- Advertisements --
Nilinaw ng National Bureau of Investigation na hindi nito target pagtuunan ng pansin ang mga kumakalaban o tutol sa kasalukuyang adminstrasyon.
Ayon kay NBI Director Atty. Melvin Matibag, hindi sila namumulitika sa mga kaso o operasyon isinasagawa ng naturang ahensiya.
Kanyang ibinida ang 182-matagumpay na operasyon ng kawanihan na siyang nakasampa na bilang kaso upang mapanagot ang mga dapat managot.
Paliwanag ni Atty. Matibag, sa halos dalawang daan kaso o operasyon ikinasa ng NBI, dalawa lamang personalidad ang may kaugnayan sa pulitika.
Ito aniya’y sa pamilya ni former Rep. Mike Defensor at ang pinakabago’y ang kaso ng kay Jay Sonza, maliban sa mga nabanggit, wala na aniyang nakasama pa.















