Ibinahagi na ng Philippine National Police (PNP) ang mahigit P4-milyon na reward money sa 21 sibilyan na informants.
Pinangunahan ni PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr ang pamamahagi ng cash incentives na siyang naging susi para magtagumpay ang pagkakaaresto ng mga kriminal.
Pinakamalaking nakakuha ng reward ay aabot sa P1-M na naging sanhi para maaresto ang wanted person na nahaharap sa kasong 54 counts of terrorism financing.
Habang mayroong isang informants ang nakakuha ng P450,000 para matulungan ang mga otoridad sa pagresolba ng mga kaso gaya ng murder, kidnapping at seriour iligal detention.
Ayon sa PNP chief na ang nasabing hakbang ay isang mahalaga para matulungan ang mga kapulisan sa pagresolba nila ng mga krimen sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
















