LPA june 10

Ramdam na ang mga pag-ulan sa Northern Cebu, Leyte, Southern Leyte, Biliran, Eastern Samar at Samar dahil sa kaulapang dala ng low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Pilipinas.

Ang mga lugar na nabanggit ay makakaranas ng ulan hanggang sa mga susunod na arw.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng namumuong sama ng panahon sa layong 30 km sa silangan hilagang silangan ng Borongan City, Eastern Samar.

Inaasahang bukas ay magiging ganap na itong bagyo.

Pero sa obserbasyon ng Japan Meteorological Agency (JMA) at iba pang foreign weather experts ay maituturing nang tropical depression ang weather disturbance formation na nasa silangan ng Pilipinas.