-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa na magpapatuloy pa ang ulan at bahang hatid ng typhoon Bising, hanggang sa mga susunod na araw.

Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 250 km sa silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.

Kumikilos ito nang pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Taglay na ng bagyo ang lakas ng hangin na 195 kph at may pagbugsong 240 kph.

Signal no. 2:

Catanduanes, eastern portion ng Camarines Sur (Garchitorena, Presentacion, Caramoan, Sagnay, San Jose, Lagonoy), eastern portion ng Albay (Tiwi, Malinao, Tabaco City, Malilipot, Santo Domingo, Bacacay, Rapu-Rapu, Legazpi City, Manito), eastern at central portion ng Sorsogon (Castilla, Sorsogon City, Prieto Diaz, Gubat, Barcelona, Casiguran, Juban, Magallanes, Bulan, Bulusan, Irosin, Santa Magdalena, Matnog), Northern Samar, Samar, Eastern Samar at Biliran

Signal no.1:

Eastern portion ng Isabela (Divilacan, Palanan, Dinapigue), northern portion ng Aurora (Casiguran, Dilasag), southeastern portion ng Quezon (Guinayangan, Calauag, Tagkawayan) kasama na ang Polillo Islands, Camarines Norte, natitirang bahagi ng Camarines Sur, nalalabing parte ng Albay, natitirang lugar sa Sorsogon, Masbate kabilang na ang Burias at Ticao Islands, Leyte, Southern Leyte, northern portion ng Cebu (Tabogon, Borbon, San Remigio, Bogo City, Medellin, Daanbantayan) kasama na ang Bantayan at Camotes Islands, Dinagat Islands, Siargao Islands at Bucas Grande Islands