Kinumpirma ng Malacanang Palace na hindi matutuloy ang nakatakda sana ngayong araw na pagpupulong nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at mga mambatatas o ang Legislative-Executive Development Advisory Council o LEDAC.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire na walang nasabing rason sa kanya, basta wala sa schedule ng Pangulo ang LEDAC meeting ngayong araw.
Nabatid na una nang sinabi ni Senate President Allan Peter Cayetano noong nakaraang linggo na tinawagan sya ng DepDev na tumatayong council secretariat at tinanong kung willing syang ituloy ang LEDAC meeting.
Sa LEDAC meeting karaniwang tinalatakay ang mga priority measures ng Executive branch.
Subalit tuloy ngayong umaga ang UPLIFT meeting sa Palasyo na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.










